Thursday, June 18, 2015

Tadhana by Jhanet Ann Cornejo

Birthdays:
Jhanet November 14
Seiji February 13

The Story:
Transfery lang po ako last year sa school na Holy Spirit School. Sa totoo po nyan ayokong lumipat ng school. Pinilit lang ako ng parents ko. Then ayun na. First day nakasimangot ako kasi una, may mga barkada ang kuya ko which is pinababantayan ako dun. And pangalawa ay wala akong kakilala.

Then months ago, nakarecover ako bilang loner, may mga friends naden at hanggang sa may activity sa school na kung tawagin ay PGT stands for (Paracletan Got Idol) so may mga classmates po ako na mga Musician, tapos narinig nila ako kung pano kumanta then they talk to me na kung pwede ako na ang maging vocalist nila. So mejo natawa ako. Kasi, takot po ako sa mga tao, kapag may taong mga nakatingin sakin natataranta po ako. Yung parang all eyes on you. I also have asthma na kapag naeexcite, natatakot, natataranta, napapagod, or may nakain na bawal. inaatake ako. So ayun na po. Nung pumayag ako sabi ko sige tatry ko lang naman.

Tapos nagulat ako kasi nung nalaman ko kung sino sino kasama namin, nakita ko yung drummer namin na si Seiji Ishizaka, mejo familiar na kasi sya sakin kasi nakita ko sya sa school na nakapila kasi Flag Cem namin nun. So ayun na nga po kabandmate ko po sya then :) may audition pa po yun, nasa isip ko hinde naman kami makakapasok sa audition na yon kasi mababa po talaga self confidence ko kaya minsan puro negatives ung naiisip ko. And ayun na po. Nagpractice po kami non 2 weeks before audition. nagprapractice kami sa studio.

Then ayun na fastforward audition na namin. Binalot ako ng kaba nun habang di pa kami ang nakasalang. Tas yung mga kagrupo ko sabi kalma lang daw ako. Then ginawa ko kasi ayaw ko silang ipahiya. Tapos naalala ko pa non yung kinanta namin ay CREEP by Radiohead. Kabado ako nun pero naalala ko na hinde lang para sakin to. May grade din po kasi na nakaindicate dun sa program na yun. Then natapos na po yung audition, inaantay nalang po namin yung result kung sino ang mga nakapasok. And nakapasok kami sa audition which is di namin inexpect.

Kasi akala namin hinde kami makakapasok kasi madaming magagaling. At ayun na po. Nagtuloy tuloy na po yun. Tas ang pangalan po ng banda namin is BOOM BEACH. Hanggang sa natalo na kami sa 3rd elimination. Nagkagulo gulo na po. Kasi habang nag peperform po kami mejo hirap na ako huminga nun. So sinabi ko sa sarili ko na kakayanin ko sana matapos ko yung 2 songs. Natapos ko po yung 1 kanta then nung pangalawa sasabihin ko na sana na hinde ko na kaya. Kaso bigla silang tumugtog, so wala na akong choice kundi pilitin ko pa lalo. Then nung matatapos na hingal na ako. Lumingon ako sakanila tas sinabi ko na hinde ko na kaya. Tas nagstop ako sa pagkanta then sila natugtog paren. Hanggang sa nawala na ako. Hinde na ko naka kanta pa nun. Hanggang sa kaduluduluhan nakapagsalita pa ako nakanta ko pa yung dulo kaso malapit na akong bumagsak. Then nilapitan ako ng adviser namin sinalo na ako bago pa ako bumagsak tas inilabas.

Walang kabanda ko ang lumapit sakin nun. Lahat sila kita ko sa muka nila ang pagkainis na para bang ako ang sinisisi. Pag katapos ko makarecover dun. Pinuntahan ko sila sa room. Iyak ako ng iyak, lahat galit sakin. Pero hinde ko kasalanan yun. 😅 then months pass by. Mejo nagkakaayos na kami. Nga po pala nakausap ko si Seiji yung drummer namin, tinanong ko sya kung galit sya sakin. Tas sabi nya hinde daw. Naiintindihan nya naman daw yun, palipasin nalang daw yung araw makakalimutan din yan.

And by the way si Seiji Ishizaka po ay hinde ko literally na classmate, magkabatch kami pero sya ay nasa A at ako sa B. So ayun. Habang tumatagal, mejo nagpapansinan na. Pero iniyakan ko ng grabe yung nangyari na yon. Pero hanggang sa nagkaayos ayos na kami. Then may dumating nanaman na pagsubok. Dumating ung Wildcard. At tinanong kami kung sasali pa. Pero kaming dalawa nalang ni Seiji yung pumayag na ituloy. Kaya naghanap kami ng bagong ka member, at pinangalanan itong BlanDiMaNi, ibinatay namin sa mga teacher na advisers namin at mga teacher. Pinagsama sama namin.

Tas ayun. Nung nag wildcard na kami kinanta namin yung ZOMBIE by Cranberries at Heaven, na nagustuhan ng mga nanunuod so ayun po nakapasok kami at masaya. Sobrang saya namin kahit andaming pinagdaanan. Ayun po. Tas nakapasok kami sa grand finals. Then buwis buhay na kami nun. Ang kinanta namin ay wag na wag mong sasabihin by kitchie nadal, rolling in the deep by adele, at sayang na sayang by aegis, pero nakuha namin ay panglast na place. Ahm kulang kasi kami sa mga votes. Pero kahit na bumawi kami sa performance kulang parin kasi ang voting ay 10% pero kahit ganun masaya parin kami na magkakasama.

At this school year, dun padin ako nagaaral sa Holy Spirit. Kasi may gusto pa akong tapusin. Ahhaha then. Yung last day namin nung 2014 umamin ako kay Seiji na mahal ko sya. Okay lang daw. Pero syempre unang beses ko yon umamin. Eh sa hinde ko na kinaya itago dahil simula palang gusto ko na sya. Sinabi ko na. Kaso mukang pinaglalaruan ako ng tadhana kasi this year. Classmate ko na si Seiji Ishizaka. Kung kelan sinasabi ko na sa sarili ko na move on na ako tsaka naman may ganitong senaryo na magkakasama kami ng 1 taon sa school namin. At magkalapit pa kami.

Tadhana nga naman kahit di mo gustuhing makipaglaro, paglalaruan ka paden. At yun na po. yun. May hinde na po ako binanggit na mga senaryo sa nangyari saaming lahat po na nakakalungkot kasi habang nasa banda, may mga nagkakasakit, may mga pagsubok na akala namin di namin malalampasan.

(Administration2015: Thank you very much Jhanet Ann Cornejo! May God bless you.)
(Share you story using PLUMA or send your story to truestorystudiopublisher@gmail.com)

7 comments:

  1. I cant understand this please make an english version of this.

    ReplyDelete
  2. You can translate this on google translate. Just copy all of this and google will translate this all at a time.

    ReplyDelete
  3. Kantahin nyu yung One Direction. Maganda yun for your future..

    ReplyDelete
  4. Replies
    1. sana nga din po :) pero sana nalang yata. salamat po sa pagbabasa ng story

      Delete