Tuesday, June 16, 2015
Love Hurts by Joan
Birthdates:
Joan June 11
Ariel Oct 11
Oliver Aug 25
The Story:
Actually i never believed at love at first sight naman talaga. Bc what happened to us is not love at first sight.
4th year high school kami nun. First day of classes syempre bago lahat. New faces, new world, in short bago lahat. I became classmates with him. With this person na akala ko, di ko magugustuhan. Dati nung lower year pa ako, naririnig ko lang pangalan nya na nagcocompete para irepresent yung school namin for Chemistry. I never knew him. Kahit hitsura nya di ko alam until the day na naging magkaklase kami. His name is Ariel. I am just an average science high school student. The first time i saw him talagang wala. I never knew na magugustuhan ko sya. Una kaming nag-usap when we had groupings for A.P. that time. I was the leader of that group and at the same time, the checker of the assignments. It was my turn to check his home work and i found out na di nya dala. Pero sabi nya gumawa sya. Di ko alam kung anong ilalagay ko sa record ko nun. Pero nilagay ko na lang "Incomplete" and nasungitan ko sya kasi ayoko ng ganun. Nasundan pa yung mga pag-uusap namin hanggang sa nagiging close na kami. Dumating yung Aero dance and mas lalo pa kaming naging close. One time napagod sya and naghahanap ng mahihigaan. And to my surprise, humiga sya sa lap ko. I didnt mind that at all kasi hindi pa sya yung gusto ko nun. His name is Oliver. Si Oliver na walang ginawa kundi saktan ako. Wala eh one sided eh. Di ko gusto yung ugali ni Ariel. Dahil nagyayabang sya. Oo may maipagmamayabang naman kasi matalino sya but still i hate it. Parang attention seeker.
And one time inasar sya ng mga classmates ko, umiyak sya. And i said na kalalaki nyang tao iiyak sya ano ba naman yun. Lalo kong di nagustuhan yung ugali nya. Pero close pa rin kami. Yun nga lang nakikipagplastikan ako sa kanya
And as time goes by, nalaman ko kung bakit ang sensitive nya. Maraming beses na syang iniwan ng mga kaibigan nya at binabalewala sya ng mga mga parents nya. And unti unti ko na syang natanggap. Halos lahat alam ko na sa kanya. And sabi ko totoo sya so di dapat ako dapat makipagplastikan. Di ko masabi sa kanya na gusto ko si Oliver kasi lagi nyang kasama yun eh. Seatmate pa nya kaya ibang tao yung sinabi kong gusto ko. Pero naging totoo na ako sa kanya. Sinabi kong gusto ko si Oliver pero nasasaktan lang ako kaya gusto ko na magmove on. Sobra din kaming close ni Oliver. Magkaklase na kami 3rd year pa lang. Hanggang sa nakahanap na rin si Oliver ng gusto nyang babae at unti-unting nabalewala ako. Nalaman ko na lang M. U. Na sila. Pero mas naging close kami ni Ariel. Halos lahat alam na din nya sa akin. At parang di nakukumpleto araw ko pag di ko sya nakakausap. Lagi nga kaming pinagtitinginan ng mga classmates namin kasi lagi daw kami magkausap at nagbabangayan pero masaya
Nag-away kami ni Oliver nun dahil kinakausap nya na lang ako pag may kailangan sya. At unti unting nakamove on ako. Pero nagugustuhan ko na pala si Ariel ng di ko namamalayan. Natatakot din ako kasi baka mamaya one sided ulit pero di ko mapigilan feelings ko.
Everytime na nagkwekwentuhan kami, ibang babae bukambibig nya at dun pa lang nasasaktan na ako. Pero maraming nagsasabi na gusto namin ang isat isa. Di ako naniwala kasi takot akong masaktan
And naging awkward kami nun. I dunnow why basta naging awkward then yun. Sinabi nyang may feelings sya para sakin. And naging M.U. kami
Ang saya ko nun. Kasi may nagmahal na ulit sakin. Masaya kami hanggang makagraduate ng high school then bakasyon. Ang hirap kasi LDR. Minsan lang kami lumabas at nawawalan na kami ng time sa isat isa. Laging nag-aaway hanggang sa iniwan nya ako
Kaya nagmomove on ako ngayon. Sabi nya di sya marunong mang-iwan kasi ilang beses na nyang naranasan
Pero nagawa nya. Sana masaya na sya ngayon. Habang ako eto pa rin. Nastuck sa oras na yun. Yung mga oras na masaya kami.
Kahit sinaktan nya ako. Mahal ko sya. Mahal ko pa rin sya at mamahalin ko pa rin sya
Advice:
Wag mo ibigay lahat ng meron ka sa taong mahal mo. Kasi baka wala ng matira sa'yo. Maging masaya ka para sa kanya kahit wala sya sa piling mo
Life should go on. Kaya mong mabuhay ng wala sya dati at dapat kaya mo din ngayon.
(Administration2015: Thank you very much Joan! May God bless you.)
(Share your story using PLUMA or send your story to truestorystudiopublisher@gmail.com)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Sana nakapagmove on kana girl.. Marami pa dyan..
ReplyDelete@Joan, kaya mu yan girl... totoo nga na marami pang iba dyan
ReplyDeletehaaay.. ur too young,carry pa yan, madami pang boys sa earth.
ReplyDeletei dont like the title.. for me, "Love CAN'T Hurts".. its the person that u love ...CAN HURT.
ReplyDelete