Thursday, July 23, 2015

Ang Komunikasyon Ay Importante by Hannah

Boy, Girl, boy girl, boy and girl, sports, sport, sport girl, sport boy, united, close, shake hands, tennis


Birthdates:
John May 28
Hannah December 20

The Story:
Una po sa lahat thanks to God for this opportunity na makapag share. Tungkol po ito kay John, boyfriend ko, 4 yrs na po kami and laging masaya.

May kaunti po kaming pagtatalo pero naayos din po. Konting tampuhan like dahil di nagreply ang isa sa amin. Gayon paman po mahal namin ang isat isa.
Totoo po na may hinahanap pa po ako sa kaniya kasi madalas po na ang oras niya ang importante sa kaniya. Nauunawaan ko naman po iyon dahil pareho po kaming magaaral.

Nagkakilala po kami sa mga sports competition po namin sa school. Tapos dun na po nagsimula ang love team namin. Pero ngayon ko lang po ito sasabihin, na hindi po namin
ito sinasabi sa aking nanay. Pero sa tatay ko po paunti unit ay nakilala din po niya.

Sa katagalan, lumabas kami, pero hindi sa mga mamahaling kainan kundi sa mga lugar kung saan especial ang aming pakiramdam. Nagkikita kami sa school, sa baranggay,
sa lugar kung saan po ang event, at kung saan una po kami nagkakilala.

Nagpapatulong po ako sa mga school assignments and projects ko at ganun din po siya sa akin. Siya narin po ang naiiyakan ko kapag may mga problema ako. Ang balikat niya po
ang aking tuunan. Ngayun po na marami na kaming pinagdaanan, nangangarap parin po kami na mas malayo pa ang aming marating.

Sa ngayon ay nagkahiwalay na po kami ng school at tanging text nalang po ang aming natirang connection. Minsan din naman po ay nagkikita kami sa aming napagusapang araw.
Minsan, kapag nagpapahatid ako sa kaniya mula school ko hanggang sa amin.

Ngayon ko lang po naisip na importante ang oras naming dalawa. Namimiss ko na po siya. Lalo na nitong mga nakaraang araw ay hirap na hirap ako, dahil nawala po ang aking
cellphone, at tanging sa chikka text nalang po ako nakakapagsend. Mahirap kasi hindi ko naman po narerecieve ang mga text niya at madalas itetext ko po siya pagmagkikita lang kami.

Sa ngayon po ay unti unti na po kaming nawawalan ng communication lalu na po na sumali na din po siya sa oraganization kung saan po ako kabilang. Maraming mga activities at school
projects po ang aming nasasalunga pero gayon pa man, di po nawawala ang pagibig ko sa kaniya.

Minsan po hindi na po kami nagkakaroon ng oras sa isat isa dahil sa dami naming ginagawa. Pero hinihiling ko po na sana loyal parin po siya sa akin and sana maging magasawa kami balang araw.


(Administration2015: Thank you very much Hannah! May God bless you.)
(Share your story using PLUMA or send your story to truestorystudiopublisher@gmail.com)

No comments:

Post a Comment